My ultimate crush in school, Lei Canazza. I first stumble upon his angelic face when I was in my freshmen year in college. I was walking back to my classroom when I noticed someone standing in front of it, and the moment we locked gazes, I was lost in his beautiful hazel brown eyes.
Posts tagged dream.
I want to wake up one day receiving a letter that says I won a date with my crush without entering any contest.
Every time something ends, there’s always that bit of hope that it might work out again.
I’m dreaming of you, and you don’t even know.
11:11
I wish you knew that I miss you too, and I never stopped loving you..
11:11
In my heart you still live on. And I know I’ll never love another for the rest of my life. And now that you’re gone, I still hold on.
Road trip.
Isa to’ sa mga bagay na pinapangarap ko. Maglakbay kasama yung taong pinakama-mahal ko. Yung tipong sa loob ng isa o dalawang linggo, magba-biyahe kame, yung kaming dalawa lang. Magkasama sa daan, patungo kahit saan, tipong naka-sakay sa Bus papunta ng Baguio, Pangasinan, Vigan, Subic, Zambales oh kahit saang lugar man namin gustong magpunta. Sabay nakatanaw sa labas ng sasakyan, pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan. Yung tipong makaka idlip ako sa tabi niya, habang nag ba-biyahe kame. Ang sarap siguro ng feeling. Na kasama mo yung mahal mo, sa isang paglalakbay, isang paglalakbay kung saan bubuo kayo ng magagandang ala-ala na maaring baunin habang buhay. Ang sarap isipin na sa tabi mo siya, makakatulog, mapagmamasdan mo siya, masisilayan mo yung taong pinakama-mahal mo ng tulog.. sa tabi mo. Yung taong pinapangarap mo, yung taong minamahal mo, kasama mo, patungo sa isang destinasyon, kayong dalawa lang, pansamantalang iiwan lahat ng problema, isasantabi ang lahat, dahil sa paglalakbay na ito, kayong dalawa lang ang mahalaga at ang mga ala-alang bubuuin ninyo.
Ideal Boyfriend : Yung lalakeng kayang panindigan ang kanyang mga pangako.
Ideal Boyfriend : Yung pipigilan kang umalis, yung pupunasan yung luha mo, yung ipaglalaban ka, yung hindi ka lolokohin at yung mamahalin ka ng walang “pero.”
Day 3 : It wasn’t a dream at all. It was a memory.
A memory to keep.. forever.
Beat that hard.
Hindi ako musically inclined. Hindi ako magaling kumanta at hindi ako magaling tumugtog ng kahit anong instrumento. Puro basics lang ang alam ko, simula sa gitara,violin hanggang keyboard. Hindi ko natutunan kasi siguro dahil hindi naman ako interesado, ewan ko ba, nag e-enjoy ako manuod ng mga Gig ng mga banda pero hindi ako ganun ka pursigido para matuto.. maliban sa isang instrumento. DRUMS! Marunong ako mag beatbox (oo, yung kahon na pinapalo para sumabay sa beat, kaya nga beat-box ee.) Bata palang ako interesado na akong matuto.. pero hindi natutuloy. Palagi nalang may conflict, it’s either may mga mas importanteng kailangan akong gawin, may mga kailangan ayusin, or hindi tugma ang schedule ko sa mga araw na pwede akong mag drum-lesson.
Naisip ko dati, siguro nga kailangan ko i-prioritize yung mas importanteng bagay kesa sa pagkatuto ko mag-drums. Nung High School, dapat papaturo ako dun sa friend ko (DANA-drummer-sa-school) ee kaso we’re both too pre-occupied, lalo na graduating. Summer naman, working for College admission. Haay ang pangarap ko hindi na natuloy :(
TAPOS..
Biglang kanina sabi ni Ariel (friend-blockmate), “Lilet, sama ka sa house, may rehearsal ang band namin.” tapos sabi ko “Sinong drummer niyo?” “Si Ate -i forgot her name- dapat kaso wala, nag migrate sila. You know anyone?” “Ay kung marunong lang ako!” “TURUAN KITA!” and I was like “OMG!! Totoo? I owe you my life pag ginawa mo yan. Pleaseeee? Anong sched ng tutorial” “Gusto mo mamaya after ng school? HAHA okaya after ng thesis natin.”
YEZ! This time sana matuloy kana. Matutunan na din kita sa wakas! At sana hindi hanggang basic lang :D



▲▼▲▼▲▼▲▼▲▼▲▼▲▼▲▼▲▼
